Saturday, October 17, 2009

Salamat Swiper

Nakatanggap ako ng bouquet nung Wednesday habang kami ay nagpaparactise ng mga students ko para sa International week assembly. Nagulat ako dahil tinawag ako ni Tetet papunta sa office dahil meron daw bulaklak dun na galing sa isang "Swiper". Napangiti ako, pero naluluha din... Pano halos 2 araw akong hindi pinansin ng "Swiper" na yun dahil sa 1 bagay na ginawa ko... Tapos bigla.. makakatanggap ako ng bulaklak!! Pinigilan ko maiyak, kasi nasa harap ko ang mga estudyante ko, pero nung andun ako sa loob ng classroom ko mag-isa, saka ako napaluha ng bongga! ayaw ko gamitin yung salitang "napaiyak":p hehehe...

ang swerte ko dahil sa asawa ko... miss na kita Swiper!



No comments: